are you IN ?

This is fun.... received this in my yahoo inbox but I have added some things that were not mentioned co'z I know those were parts of my childhood memories...i'm sure you all would agree.

When you were a child did you ever do these things ? Or did you experience to have these things right on your possession? Just to be what we call " IN " .

*kumakain ka ba ng aratilis?

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tangkay ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso,langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik o luksong baka at tumbang lata?

*malupit ka pag meron kang atari, family computer or nes?

*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

*addict ka sa rainbow brite, carebears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

*paborito mong artista si Aga Mulach, Janice de Belen, Julie Vega, tanong mo pa nga kung mas maganda ba ang Flordeluna kesa Analiza ?

*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna....nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries na hello kitty at my melody at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

*ang usong junk foods pa lang noon eh chippy at cheez curls....

*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at "alagang-alaga namin si puti"?

*alam mo ang kantang "gloria labandera"....lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?

*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?
*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong.....diba naninipit yun?
*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum, at caramel... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal o tinatawag na kending hubad?

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa.....at sanay ka tawagin ang porni as BOLD?

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nla magugunaw daw ang mundo?

If you know some of these you are 25 years old and if you know ALL of these you must be 30 years old by now or even more.....he he he

......During that time the minimum jeepney transportation was just .75 CENTAVOS right so naabutan mo 'yon !!!! AT
MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW! :-))) So do you still remember those aforementioned...... oooooyyyyyy wag mag deny ! Wag na magpabata !

Comments

Ligaya said…
aww, I really did and know most of these things, they reminded me of my younger years! hehe! di lang ako kumakain ng aratilis nun, mahilig pa akong umakyat sa puno kahit matinik. LOL! hay, matanda na talaga pala ako, more than 30 na! :D

this is nice haze, thanks for sharing! =)
Francesca said…
hahahahahaa...
HAZE
Alam ko yan, and it shows, more than 25 na ako,la na ako sa kalendaryo, pero andyan pa ako sa lotto!
at sa bingo!