saang sulok man ng mundo


MALIGAYANG PASKO NG PAGKABUHAY * HAPPY EASTER * JOYEUSES PÂQUES * FELICES PASCUAS * BOUNA PASQUA * FRÖHLICHE OSTERN * ONDO IZAN BAZKO GARAIAN * PASK SEDER * SELAMAT PASKAH * ਈਸਟਰ ਖੁਸ਼ਿਯਾੰਵਾਲਾ ਹੋਵੇ

Ako lamang ay nagtataka at nagmumuni - muni na kung bakit ang pagdating ng Mahal na araw ay nag "egg hunting" karamihan sa atin! Dahil sa aking pagkakaalam tuwing sasapit ang araw na ito ang kaugalian nating mga Pilipino ay ang mga sumusunod:

Holy Week : Cuaresma o kaya Semana Santa ngunit ito ay salitang espanyol ngunit kung bibigkasin mo sa ating sariling wika Banal na Linggo o Mahal na Araw.

Palm Sunday : Lunes Santo- April 1. Ang unang araw ng Cuaresma. Ang mga katoliko ay nagdadasal ng taimtim ng kanilang malakas na pananampalataya. Nagkakaroon tayo ng bendisyon ng PALASPAS. Tayo ay nagdiriwang sa matagumpay na pagpasok ni Kristo sa Herusalem at ang pagbabalik at muling pagkabuhay nya sa lupa.

April 2. Martes Santo - Sa araw na ito ang bendisyon ng banal na langis ng buhay. Ito ay ginagamit sa mga may sakit, ang langis sa "catechumens". Ang banal na langis ay inilalagay sa simbahan upang ang lahat ng katolikong nagsisipunta don ay gumagamit at naniniwala rito.

April 3. Miyerkoles Santo - Araw ng pangungumpisal .

Holy or Maundy Thursday: Huwebes Santo - Ang misa ng hapunan ng ating Panginoong Hesukristo at ang pagdiriwang ng Eukaristiya at ng pagpapari. Kung saan dito rin tayo nakakakita ng isang maliit na dula ng paghihirap ni Kristo. Sa dulang ito ay ipinakikita ang paghuhugas ng paghuhugas ni Kristo ng paa sa kanyang mga disipolo. Ang pagsisindi ng banal na kandila. Ang banal na eukaristiya at inaalis s tabernakulo at nilalagay at ginagamit sa adorasyon o pagsamba.

Good Friday: Biyernes Santo - Ang araw pag-aayuno, o ang di pagkain ng karne. Dito rin natin ginaganap ang Salubong . Walang misa na ginaganap sa araw na ito.

Black Saturday : Sadabo de Gloria - Walang ring misa sa araw na ito at ang simbahan ay dinedekorasyon ng kulay "violet". Araw ng pagkamatay ni Kristo. Naalala ko pa noong maliliit kami na bawal ang makinig ng radyo or manood ng telebisyon isang simbolo ng pag aayuno.

Easter Sunday: Pasko ng Pagkabuhay- April 8. Ang Araw ng Pagkabuhay ito ay nagaganap pagkatapos ng Santo Santo. Kalimitan sa mga kalapit probinsya nagkakaroon ng misa ng 12 ng gabi at ipinakikita rin dito ang bendita ng apoy at tubi. May mga prusisyon nagaganap upang salubungin ang imahen ng Birhen at ni Kristo. At dito ang araw na tayong mga Pilipino ay nagdririwang sa pamamagitan ng pagpunta sa dagat dahil iyon daw ay nagpapasimbolo na tayo ay naghuhugas ng ating mga kasalanan.

Ang katotohanan hindi ko makita dito sa ating mga kinaugalian ang egg hunting kaya ako ay nag surf upang mas lalo kong maintindihan. Kaya kahit ano man ang relihiyon o kaugalian mo hindi na mahalaga iyon. Kahit saan mang sulok ng mundo ang mahalaga ay ang paniniwala at pananampalataya ng bawat isa sa atin. Iiwanan ko kayo ng mensaheng ito sapagkat simula bukas ako ay mag aayuno. Bibisitahin ko kayo sa araw ng pagkabuhay.

Comments

Anonymous said…
happy easter haze. alam mo ba, di ko talaga maramdaman ang mahal na araw dito.. eto nga, nasa opisina ako at nagtatrabaho (break ko lang kaya nasa internet ako hehe), at nagtaka pa ako kung bakit di sumasagot ng email ang mga katrabaho ko sa pilipinas, ng bigla kong maalala na biyernes santo nga pala ngayon...

magandang araw ng pagkabuhay sayo..
Makis said…
To new beginnings! Happy Easter, Hazel! Naku, ana, everybody back home are probably on the beach :D
Anonymous said…
have a happy easter.
Yen Prieto said…
happy easter ate.

u know what in my almost 5 yrs here in doha, namimiss ko n yung gngwa namin sa pinas pag holy wk. d2 kasi mga katoliko lang ang affected since this is a muslim country. sa pinas kasi noon every yr tlagang may station of the cross kami at never nmin gnwa mag outing kasi mejo conservative ung family and relatives namin kaya naniniwala kami na hndi pwdeng magsaya pag holy wk kc nga naman patay si jesus christ tas kung san2 kami pu2nta na beach o resort. i dont have anything against sa mga gumagawa nun, we all have our own beliefs. sayang lang d2 kc d na namin napapractice yun. kanya2ng pray na lang.
Leah said…
Biyernes Santo, nag-try ako mag-fast sa karne, ok naman. basahin mo na lang post ko.

Nakakamiss din ang mga tradisyon sa Pinas ano?

Sa linggo Easter Egg hunting din kami...nag-research din ako and it said: eggs were symbl of fertility.
"The Romans believed that "All life comes from an egg." Christians consider eggs to be "the seed of life" and so they are symbolic of the resurrection of Jesus Christ.
Anonymous said…
Happy Easter Haze!

Dito, parang hindi Holy Week... except na walang pasok.

Noong bata ako, di ko din alam kung ano ang egg hunting. Siguro, ngayon lang din nauuso sa Pilipinas. :)
Angelo said…
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay et Joeyuex Paques Haze :) Thanks for the good wishes for my exam I know it helped :) I know the traditions are a little different, I hope you could impart our Filipino traditions onto your children even in some small way....I wish you and your family a very Blessed Easter, enjoy and God bless!
Francesca said…
The cup of blessing which we bless, is it not a sharing in the blood of the Christ?—1 Cor. 10:16.

In what way do those partaking of the wine at the Memorial ‘share in the blood of the Christ’?

They certainly do not share in providing the ransom sacrifice.

Through their faith in the redeeming power of Christ’s blood, their sins are forgiven.

Thats the way the Bible speaks about Christ's death.
Jesus showed to Satan, He will not leave His Father, He stayed loyal to the true God, even until to His death.Jesus gave a fine example of fidelity and humility.

He died for us.He died for our sins, for us to be forgiven , and be united again to our Creator.

Thats why we Christians,celebrate the day.
i have my topic on that too, haze!
aba eh, its our week of spirituality!lol
Anonymous said…
Egg hunting is just a tradition not a religion like halloween. It's fun for kids. As long as we know that Easter is all about Jesus Christ then it's no problem I believe!
Happy Easter!
Anonymous said…
oo nga ano? ngayon ko lang naisip, at tinanong sa sarili ko kung ano yung egg hunting. anyway, dito sa Philippines, hindi naman masyado ang egg hunting, sa mga hotels and malls lang.

at least the tradition is still alive--as far as church activities are concerned. yes, Holy Week is at least an opportunity for spiritual renewal.

belated Happy Easter!
Anonymous said…
Alam mo ba tinatanong din ako nung aking 12-year old kung bakit daw may egg-hunting kapag easter. Sabi ko i-search ko muna sa internet. :) But I just found the answer through the comments here. :)
Anonymous said…
ANALYSE : Likewise Ana ! Oo iba talaga ang celebration ng mahal na araw dito! Di sila talaga nag practice tsaka iba talaga traditions! Oo biyernes Santo bawal daw kumain ng karne! teka kumain ka ba?

Cheers to that MAKIS! And yes, holy week is also having our famous tradition on the beach with lots of food and drinks and good laughters around!

Happy Easter tooTHINZ!
Anonymous said…
YEN : Happy Easter too , oo talagang afftected ang catholics dyan but anyway, you still have the chance to celebrate holy week kahit saan mang sulok ka nandon by keeping your faith! We don't actually say na patay si Kristo kasi syempre pag sinabi natin every holy week pinapatay daw natin sya! So the explanation I got is that it is the DAY when Christ gave his life to us and ressurrected after!

LEAH : Ang tradisyon talaga ay importante kasi yon ang ugat natin kaya mahirap talagang hindi ma homesick! Yes, after surfing I fully understood why people do the egg hunting!

TOE : Oo di ba, nakakapag isip din talaga kung saan ba nagmula yang egg hunting! Pero di ba maraming Pinoy sa Cambodia so I guess nag celebrate din kayo at ma feel mo rin kahit papaano!
Anonymous said…
Ganon din da iyo ANGELO! Your welcome, that is the least I can do...moral support! Am sure your exam is a success! Oh yes, I mix the good traditions of Filipino and French so that our children will be proud not only being a French but a Filipino as well (kahit dito kami nakatira). And hey we have a FIlipino priest and CFC here so those are a big help ;) !

FRANCESCA : You have said everything. Belated Happy Easter !

AGRING : I totally agree with you! It's how we keep our faith and do good thing! Anyway, religion will not save us!

SEXY MOM : Opo tuwing sasapit talaga yan, big question sa akin! Di pa kasi uso internet non kaya no surfing, hirap mag research sa library eh! Usually na po sa mga companies and enterprises co'z of foreign clients !

I guess our traditions will not fade away...it's our roots! Even we live in a foreign country traditions will always pe a part of us!

Buti naman na-explain mo na sa anak moNICEHEART ! Kasi di ba nakakalito rin naman ang history of origin natin! Halong malay-hispanic-chinese kasi tayo eh!