Habang tinatapos ko ang aking ibang mga sulatin nais kong ipamahagi sa inyong lahat ang napakagandang tugtuging ito! Nang aking mapakinggan bigla tuloy akong nangulila na naman .... Salamat sa iyo Jhona sa pagbigay mo ng "link" na ito. Ako'y napag muni-muni kung ano-ano ang mga na miss ko sa atin. Unang una ang aking pamilya at mga kaibigan, mga magandang tanawin, mga masasarap na pagkain, at ang mga kasayahang pinagsasaluhan namin kahit saan man kami mapagawi. Lalo na ng mapanuod ko ang isang pelikulang tagalog kagabi na pinamagatang Got to believe in Magic ng yumaong Rico Yan at Claudine Barreto salamat sa iyo Makis sa pagbahagi mo sa aking ng DVD na ito....para nga akong loka loka dahil nandiyang tatawa ako, tapos bigla na lang iiyak ! Ang totoo noong nasa Pilipinas hindi ako masyadong nanunood ng mga pelikulang tagalog (namimili lang ako ng mga panunoorin ) sapagkat minsan may pagka korni o baduy ang dating. Ngunit ngayon malayo ako sa atin, tuwang tuwa na ako panoorin ang mga pelikulang talgalog kahit na pinaka baduy at pinaka korni pa sya ! Nandyan pa ngang makipag agawan ako mapanuod ko lang yon.....subalit pag dating sa pakikinig ng mga kantang Pilipino....okey na okey ako dyan ! Kaya halika tayo na sabayan ninyo akong pakinggan ang awiting ito, napakagaling talaga ng Pilipino !!!
Comments
Alam mo, pareho pala tayo sa pagpapanood ng mga pelikulang tagalog, kahit ano rin, papanoorin ko . Tapos iiyak-iyak at tatawa-tawa din ako miski mag-isa. Nakakamiss kasi talaga. Lalo na pag may mga kuha doon sa lugar na magaganda sa Pilipinas.
uy, sagutin mo naman kung ano ang "lies and truth" doon sa tag mo sa baba.
Sabi nga ng iba, kahit galungong lang ang ulam, basta sama sama, para na ring foie gras yun, LOL
Ako pag miss ko pinas, despite maganda sa France, iba pa rin yung hometown natin.
Para ngang story ng mga salmon fish, where ever they go all over the world, they come back where they were born and die there...
unless wala na tayo pamilya sa pinas, sino pa buburol sa atin, lol!
haze, lagay ko sa mes images yong photo mo dito, pautang nito ha? (wink)
O nasagot ko na yung truth and lies ko ha!
Raquel - SInabi mo pa Raquel, pinarinig ko nga sa asawa ko at tina-translate ko sa french ang sabi nya ang ganda daw ng kanta, nakakapanindig balahibo daw! Sabi pa nga nya feeling nya pinoy sya ;)!
Niceheart - Kailan ka pa bang huling umuwi? 5 yrs. na ako sa Pransya 2 beses na kami umuwi kasi kung yearly medyo may kamahalan rin! Marami na ring pagbabago! Sana makauwi kayong lahat !
Francesca - Oo naman kaka homesick pero buti na lang meron akong mga anak at mabait na asawa kaya kahit papaano naiibsan ang kalungkutan at pangungulila ! Tama ka maganda sa Pransya pero syempre kung saan ang pinagmulan natin talagang hahanap hanapin pa rin natin!
Oo naman walang problema ! Kung gusto mo padalahan pa kita ng ibang shots ng aking probinsya ;)!
btw, ang ganda nman ng view sa likod ng bahay niyo. kami bundok na bundok naman ang makikita mo sa paligid ng bahay namin. saka open fields din gaya ng nasa picture.
there's no place like home talaga! =)
Ligaya - Oo nga kung mura lang pamasahe no siguro every year uuwi rin kami! Masarap talaga sa atin kasi don tayo lumaki at nagkaisip pero kung nasaan man tayo alam kong masaya ang pamilya natin para sa atin sapagkat meron na tayon sariling pamilya na matatag at buong buo :) ! Masaya na rin tayo kahit malayo tayo sa iba nating mahal sa buhay :) !
O sarap manuod ng mga pelikula di ba! Kahit papaano nasa ibang bansa man tayo puede pa rin nating maramdaman ang pagiging Pilipino, kaya naku sa susunod na uwi bili ng mga tagalog film ;) !
Makis - Oo naman no! Mas nauna kong panooring ang horror hehehe paborito ko yon kesa sa love story ;).