Paglipas ng panahon

Tatlongpu't limang taong nagdaan hanggang ngayon
Ako’y nagpapasalamat ng walang hanggan.
Mula sa aking pagkabata isip ay namulat
Magandang pag uugali, maayos na pakikisama sa lahat .

Mga magulang na umaantabay
Aking mga gawain sila'y tanging gabay.
Sa kanilang mga mata kasiyahay nasisilayan
Tuwing ako'y nagtatagumpay.

Kasiyahan, kalungkutan, tagumpay man o kabiguan
Nandiyan pa rin silang ako'y parangalan.
Lingid sa mga nagawang pagkakamali
Hatid nila'y walang sawang pagsusulsi.

Sa aking mga kapatid na umaagapay
Kasagutan ko ay malaking pagpupugay.
Mga pagsubok sa buhay, hirap man o ginhawa
Kaakiba't ko pa rin silang nagtitiyaga.

Para sa aking kabiyak sa buhay
Ako'y minamahal ng walang kapantay.
Iba man ang ating pinagmulan
Respeto at pagmamahal ang ating timbulan.

Mga anak kong nagbibigay ng ligaya
Sa bawat mahigpit na yakap at halik
Pagod ay mabilis na nawawaglit
Nabibigay lakas sa bawat paghihinagpis.

Maari ko bang kalimutan mga kaibigang walang sawâ
Bawat pagdurugo ng puso ko'y kasamang magbatâ
Sa bawat kalokohan aming maisipan
Matatag na samahan at walang iwanan

Andiyan ako ay humagalpak sa tuwa
Ngunit luklukan din ang pagluhà't pagluluksâ
Ganoon pa man ang buhay na taglay
Patuloy ang aking pakikibaka ng walang humpay.

Para sa lahat kayo'y tatak sa aking buhay
Hindi kumukupas at walang katumbas
Maraming salamat sa nasa ITAAS
Hulog kayong nagsisigasig mula sa langit.
Lumipas man ang panahon
Pukpukin man ako ng pagsubok ng sansinukob
Nariyan pa rin akong matatag na tagapaglingkod.

Thank you for those who sent me emails, ecards, IM''s, friendster messages, text and even voice messages. I am glad you are a part of my life ! HAPPY BIRTHDAY TO US MAKIS !

Comments

Makis said…
Grabe! Ang lalim naman ng iyong sulat! Talagang damdam na damdam ko ang kaligayahan mo! Maraming salamat Haze at tayo'y nag tagpo ng daan, 14,000km pagitan sa ating bayang magiliw :) Sana tuluyang mapuno ng kagandahan ang buhay mo. Tanda na natin.
Anonymous said…
Napakaganda ng iyong katha Haze! Ikaw ay tunay na pinagpala ng Diyos sa pagbigay sa'yo ng mabuting pamilya at mga kaibigan. Maligayang Kaarawan sa iyo!
Anonymous said…
Mukhang huli na ako pero maligayang kaarawan sa iyo Haze. Ang galing naman ng tula mo at ang lalim pa ng Tagalog.
Ladynred said…
Ang ganga naman nitong tula Haze! napakalalim nga pero I feel the message talaga. Happy Birthday!
Anonymous said…
OO nga tumatanda na tayo ! Isa ka sa nagbibigay kulay sa buhay ko MAKIS! Salamat sa iyo !

Maraming salamat sa pagbati TOE nais ko lang isambulat sa pamamgitan ng tula ang aking nararamdam nitong sumapit ang aking kaarawan!

Huli man daw NICEHEART puede pa ring humabol ! Salamat din sayo ng marami ! OO malalim talaga sapagkat ayaw ko ring makalimutan ang mga salitang aking natutunan, hindi ko man magamit araw-araw ngunit maaari ko naman magamit sa pagsulat !

SalamatAGRING talagang pinag isipan ko rin ito ! Mahirap man isipin ngunit ako'y natutuwa sa kinalabasan ng aking akda ! Hindi lang sa salita ngunit kung ano ang aking totoong nararamdaman !
Anonymous said…
This comment has been removed by a blog administrator.
Raquel said…
He-he...grabe ang lalim, mukhang makata ah, ha-ha.

Maligayang kaarawan sayo kaibigan! Happy birthday din kay Makis. Cheers to both of you.
Anonymous said…
Oo nga, na recall ko rin yung mga napag aralan ko sa high school ;) !

Maraming salamat sa iyong pagbati kaibigan ! Pinaabot ko rin sa iyo na sana ikaw ay magkaron ng maayos na pagluluwal sa iyong pangalawang sanggol :) !
rmacapobre said…
hmmm .. at the end of the day. we all need to recognize our family and friends who have supported us. this is a worthy and heartfelt gesture.
Anonymous said…
alam mo ang tula o ano mang blog ay bukas para sa lahat ng comment. dapat maging bukas ka kung ano man ang interpretasyon ng iba. katulad ng kanta na minsan ay sinasabi ng iba na satanista pero hindi naman talaga. kung ano man ang comment sayo, yun ang interpretasyon nya. may iba't ibang interpretasyon ang tao.
Anonymous said…
haze,

if you dont want someone to interpret your blogs then stop blogging! poems are open to criticisms and interpretation.
Francesca said…
yun ba?

Hirap naman gawin nyan haze!
buti na kaya mo?
3languages ka ba naman.


If they dont appreciate it, the site is a mouse click away...

kung baga:
The door is nearby.after all huh!
hihihi
Anonymous said…
God, boy was i this late? Happy Birthday Maks and Haze.. better late than never.
Anonymous said…
The only thing that keep us going are our family and friends ! Like you RMACAPOBRE !

Salamat sa pagdalaw mo ANONYMOUS ! Ewan ko lang kung nabasa mo ang mga kasagutan ko sa mga nag komento sa pinakahuling sinulat ko ! At paulit ulit kong sinasabi na bukas ako sa maganda or pangit man na komentaryo! Ngunit ang tulang pasasalamat na aking ginawa sa mga magulang at kaibigan at ituring na para akong magpapakamatay sa tingin ko'y kabastusan at kawalang galang ! Ikaw man ang lumagay sa aking upuan anong mararamdaman mo ? Huwag mong sabihing hindi ka magagalit ng kaunti man lang, kung hindi ikaw ay isang ipokrito o kung hindi man sya ay isang kaibigan mo!

First of all, don't you say Hi or hello before entering a blog for the your first visit RAVEN? I will reiterate that I am open to criticism but there's a limit in everything ! Don't you have an ethics, don't you have limits ? If all bloggers are insensitive, careless, direspectful what would happen to the blogsphere ? Tell me? Don't you think that if I am not open I would have moderated the comment section I have all the right to scan them! But I wanted to have others opinion! What I have learned in blogging there are 2 things that exist, constructive criticism and destructive criticism, which do you prefer?

Mahirap talagang gumawa ng tula lalo na at pag nakakalimutan ang mga bokabularyong tagalog FRANCESCA ! I just took an effort and I'd dedicated it to my dear ones and what have I got from a stranger ?!

Hey sistah NAO, maraming salamat ;) ! Naintindihan mo ba and tula ?
Anonymous said…
Napakagandang tula Haze! Ikaw ay isang sensitibo at mapagmahal na tao. May pagmamahal sa ating inang bayan. Ang bayan natin ay nasa ating pamilya, saan man tayo naroroon. Sana hindi ka magsasawa na mag-blog sa Tagalog.